Friday, July 8, 2011

Pagbabagong Anyo

Ang mga sumusunod na larawan ay isang pagpapakita ng aking pagbabago mula ng pagdating ko dito sa Doha.











Kung mapapansin nyo, malaki ang bahagi ng pagkain sa buhay ko at sa aking pagbabagong anyo...

Pasimula



Ako si Miguelito. Pinanganak noong 1982. Malapit-lapit na din ako sa aking pagiging trenta'y anyos. Naisip kong gumawa ng isang artikulo tungkol sa buhay ko, sa tulong na din ng aking kaibigan. Sinabi ko sa sarili ko, "bakit hindi?" Marahil ito na rin ang paraan ng pagpapahayag ng saloobin ko hindi lang sa iisang tao, kundi sa mga taong nagnanais makibahagi sa kwento ko. Ang iba siguro iniisip na, "walang magawa itong taong ito..." Maaaring ganun. Pero ito rin ay isang paraan na pwede kong ipamahagi ang nangyayari sa akin lalo na't nasa malayong lugar ako. Teka, hindi ko ba nasabi na nasa gitnang silangan ako? Ngayon, alam nyo na! Ako ay nasa Doha, Qata at nagtatrabaho sa isang "automotive company" bilang kalihim ng Pangkalahatang Tagapangasiwa. Mag iisang taon at tatlong buwan na rin ako nagtatrabaho dun, pero sa kasalukuyan ay nagpasa ako ng aking sulat ng pagbibitiw sa aking amo. Hindi ko na isasalaysay ang buong detalye pero ang sumunod ay parang nasa guhit na ng kapalaran...